Add parallel Print Page Options

Ipinabilanggo ni Herodes si Pedro ng mahuli niya ito. Siya ay ibinigay sa apat na pangkat na may tig-aapat na kawal upang bantayan. Binabalak ni Herodes na iharap si Pedro sa mga tao pagkatapos ng paggunita sa araw ng Paglampas.

Si Pedro nga ay binantayan sa bilangguan, ngunit ang iglesiya ay maningas na nanalangin sa Diyos patungkol sa kaniya.

Sa gitna ng dalawang kawal si Pedro ay natutulog na nagagapos ng dalawang tanikala. Ang mga bantay sa harap ng pintuan ay nagbabantay sa bilangguan. Ito ay nangyari nang gabing ilalabas na siya ni Herodes.

Read full chapter